Ilang oras na lang ay sasabak na ako sa legit na photoshoot. Photoshoot na maaring lumabas sa mga poster online at dyaryo. Photoshoot para sa isang establishment na kilala din naman ng marami. Grabe lang talaga ang kaba ko ngaun, kulang kasi ang tiwala ko sa sarili ko, sa itsura ko at sa ganda ko. Waaaah, serioso, natatakot ako na baka sabihin nila hindi naman ako qualified sa shoot mamaya kahit na pinapirma na nila ako ng kontrata para dito. Yung pinsan ko kasi eh, pinasa ung photos ko :)) pero masaya din naman ako na napili ako. Kulang lang talaga ang confidence ko sa aking sarili. Ewan, Madalas kasi yung mga taong nag sasabi na maganda ako, na mabait ako, na gusto nila ako etc, sila ung mga taong nag paparamdam sa akin na wow, appreciated ako, isa sila sa mga taong tumutulong sa akin na tumaas ung confidence ko then suddenly sasabihin sa akin, “you deserve someone else, not me”. WOOT yang linyang yan laspag na yan sa akin hahahha. Hindi lang isa o dalawa ang nag sasabi nyan. MARAMI :)) paano hindi baba tingin ko sa sarili ko nyan? ung mga taong akala ko nakaka appreciate skin di naman ako pinipili or pinangangatawanan. Hindi ko alam kung sinasbi lang nila un sa akin dahil feel nila di ko sila deserve or baka naman talagang naisip nila na di nila ako deserve. EWAN hohohoh
Oh well, katulad nga ng bago kong pananaw. Kailangan mo munang alamin ang self worth mo bago ka bigyan ng someone ni GOD. Kailangan may confidence ka at may happiness ka sa sarili mo bago ang lahat. Kailangan buo ka na bago ka mag karoon ng partner. Hindi ka dapat humanap ng taong bubuo sayo. Humanap ka ng taong makakasama mo pag saluhan ang happiness na meron ka pag alam mo sa sarili mo na buo na ang pagkatao mo. :) Matagal pa siguro ung sa akin. Kikilalanin ko pa muna ang sarili ko bago ang lahat. No RUSH :)
Hay life, pag tumatanda talaga ang isang tao mas nagiging emosyonal. Ewan ko ba sa kanila, napakaliit na bagay dinadamdam. Akala nila ayaw nating mga kabataan ang pinagsasabihan. Kaya wala nalang daw pakialamanan. Alam niyo, okay lang naman sa aming mga bata ang pinag sasabihan, wala namang masama dun. Sa totoo lang mas naapreciate pa nga namin yun kasi nakikita namin na concern kayo sa amin at mahal niyo talaga kami. Ang hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit nagagalit kayo sa amin kung mag papaliwanag kami sa inyo. Bakit feeling niyo nababastos kayo? Alam ko naman na mag rereact lang kayo o maninita kung may nakikita kayong mali, pero ang pinag tataka ko bakit nagagalit kayo pag magpapaliwanag kami ng aming side. Hindi naman ibig sabihin nito na nagpapalusot lang kami, gusto lang din namin ipaalam sa inyo kung ano ung nasa isip namin bakit namin nagawa iyon. Gusto namin ipaalam kung ano ung buong pangyayari kaya kami nakagawa ng isang bagay na tingin niyo ay mali. Pinakikinggan namin kayo mag sermon, sana pakingan niyo din naman kami. Mas okay kasing tumanggap ng pagkakamali kung alam namin na alam niyo talaga ung buong storya, yung nakinig kayo sa amin. Ayaw niyo bang makita at mapakinggan muna ang nilalaman ng aming mga isip para alaman niyo kung saan sa aming ideya/ pananaw kami nagkamali? Ngayong bawal na nga kami mag paliwanag, bawal na rin magpakita sa mukha namin na nag pipigil kami mag salita? bawal na rin ang facial expression na malungkot at nananahimik nalang. Nababastos na din kayo nun kasi ung simpleng sad face ibig sbhn mamakeface na kami? Sobrang labo! Seriouso wala kaming issue sa pakikinig ng mga pangaral niyo, sana lang alamin niyo din ang buong storya bago kayo magreact, kung sa ganoon, buong puso namin tatangapin ang hatol niyo sa amin, kung grounded man o ewan hahaha. :)
Haiz, sobrang babaw ng pinag awayan namin ng aunt ko :( Dalawang araw na nya akong di pinapansin. Kaloka lang. Oh well. That’s life. :))

(Source: staypozitive, via scrumptiouslyaddictive)
Natatawa nalang talaga ako sa mga nangyayari. Hindi ko din alam kung bakit ko nararamdaman to. Naiinis lang ako na bakit ako pa ang lumalabas na masama. Kung tutuusin ako nga tong higit na naaapektuhan. Ako nga tong nananahimik pero biglang ginulat ng mga pangyayari. Matagal ko ng kinalimutan pero biglang pinaalala. Grabe kung alam niyo lang kung ano tumatakbo sa isipan ko ngaun. Grabe lang. Oh well, sge lang. That’s life. Shit Happens ika nga pero please lang, Huwag niyo naman sana ako husgahan.
Tang *** nalang talaga. Kulang pa siguro acting skills ko para maitago lahat ng nararmdaman ko. Grabe ah, Sinasarili ko na nga lang ang lahat eh. Hindi ko naman to piniling mangyari. Biglaan lang lahat pero bakit ako ung nalalagay sa position na d namn ako dapat andoon. Ako na nga ung kailangan mag adjust ng bonga, ngaun ang masama pa nyan, ako pa ung nalabas na badgurl. Isang babaeng d maka accept ng katotohanan. PS: Matagal na malinaw sa akin ang katotohanan, sadyang pinalabo lang din ito ng mga pangyayari pero ngaun malinaw na namn ulit.
BS tlaga, di ko mimagine bakit andito ako sa posisyon na ito. Ako pa ung …. bsta. WOW ah. Wow lang talaga. :(
Sana hindi ito ma mis interpret ng iba. Kailangan ko lang ilabas sau to bestfriend tumblr kasi ang sakit na.
Malakas loob kong ipost ito dahil feel ko na wala namang followers ng blog na ito ang makakaintindi. As if babasahin namn nila toh.
Oh well. Di ko deserve husgahan kasi kung nasa position ko din kayo ewan ko nalang. Hindi ko din naman sinasbing may nanghuhusga sa akin. Sinasbi ko lang na kung huhusgahan niyo man ako, may mga rason ang bawat bagay kaya ito nangyayari, kaya mas mabuti munang alamin natin ang buong storya bago mag iba ang tingin natin sa isang tao. Salamat.
(Source: river-island, via scrumptiouslyaddictive)
Habang binabasa ko muli ung mga nakaraang post ko, natatawa na lang ako sa laki ng pinagbago ng noon at ngayon. Yung ibang post ko, akala mo ung dati parin ung pinag uusapan pero di na pala. Nakakalito noh?
Sa totoo lang, sobrang raming pangyayari ang nagaganap sa buhay ko ngaun. Hindi ko alam kung bakit pero sadyang ginugulat nalang ako. Yung last kong post about sa panaginip, ibang tao na ang pinag uusapan dun, hindi na yun ung taong laman ng post ko nung nakaraang 2 buwan. Basta iba na yun :))
Oh well marami ngang dumarating sa buhay ko pero kalimitan mali naman ung timing. Hindi pa nararapat, o di kaya maling tao. Madalas naman pride ko ung natatamaan, masakit, pero kerribeells lang, dadating din ung tamang oras na di na un mangyayari :)
| [Flash 9 is required to listen to audio.] |
One karaoke night with friends. I know my voice is not that good. I just have confidence to share my talent. #Feeler :))
Please don’t expect to much. Wag niyo nalang pakinggan para mas okay. :))
[05.19.12] Center Stage Makati
Ang buhay hindi dapat sinasayan, dapat sinusulit para walang panghinayangan dahil ni isa sa atin ay walang nakaka-alam kung gaano nalang ba tayo katagal sa mundong ito. Kung may pag kakataon man, wag mag atubiling gamitin ito lalo na kung ang oputunidad na ito ang mag papasaya sa atin. Kung may mahal kang tao, wag kang mag dalawang isip na sabihin na mahal mo siya, dahil baka mag sisi ka lang dahil huli na ang lahat.
Isang pang yayari ang nag paisip sa akin ng mga bagay-bagay…
Kahapon ng umaga, isang nakakabiglang balita ang bumungad sa akin at sa buong pamilyang Lasalyano. Isang napakagaling na baseball player ng DLSU ang namayapa dahil sa isang car accident. Hindi ko man siya ganoon ka kilala, nasaksihan ko kung gaano siya kabuting kasintahan sa kaibigan ko. Sobrang sweet nya, ma effort at lahat lahat. Sa totoo lang sobrang nakakaingit sila nuon ng friend ko dahil kitang kita ko talaga kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. At kung titignan mo halos perfect na sila para sa isa’t isa, dahil sa aking pag kakaalam 4yrs na silang mag kasintahan at wala naman silang gaanong problema. Parang forever na talaga. Ngunit biglaang boom! :( Sa hindi inaasahan pangyayari, biglang tapos na, tapos na pala ang buhay nung lalaki sa mundong ibabaw. Hanggang dun nalang pala ang lahat. Napakasakit, sobrang sakit miski hindi ako mismo yung nasa kalagayan ng aking kaibigan, sobrang ramdam ko ung pighati ng mawalan ng minamahal, lalo na ung parang feeling mo walang magiging dahilan para mawala siya sayo dahil di namn kayo nag aayaw at halos lahat naman ay nag kakasundo kayo. Pero sa isang iglap mawawala siya at hinding hindi mo na muling makakasama. SOBRANG BIGLAAAN. NAIIYAK AKO, NAIIYAK ako para sa kaibigan ko. Nakakapanghina! Minsan kong na isip na sobrang sarap maging asa position niya, nung buhay pa yung bf nya, ksi katulad ng sinabi ko, parang perfect na silang dalawa. Ngunit mahirap pala ung ganun noh? Yung tipong parang okay ang lahat… tapos biglang bubulaga ang malalaking pagsubok na talaga namang babaguhin ang takbo ng buhay mo. GRABE, grabe lang talaga. Di ko ba alam bakit sobrang affected ako sa pangyayaring ito.
-»Sguro dahil sobrang mahal ko din naman ung kaibigan kong ito…
-»Pangalawa, dahil naisip at na realize ko ung halaga ng ORAS at BUHAY ko, yung tipong di mo na talaga sasayangin ang bawat sandali dahil totoong hiram lang talaga ang buhay at mayroon itong expiration date na hindi natin alam kung kailan.
—>Pangatlo, dahil na realize ko din na walang buhay na perpekto, na mayroon at mayroon din darating sa buhay natin na talaga namang susubok sa ating kakayanan, lakas, at pananampalataya.
(Source: lovequotesrus)
(Source: buttfactory, via thingssheloves)



